Tatagalugin ko na para mas ma-i-express ko ang emosyon ko. Kagabi, bandang 9 or 10 PM, nasa BGC Highstreet kami. The usual past time namin kapag binibisita namin ang kuya ko sa office nya. After mag-dinner sa Wangfu ( Oo, masarap ang food! ) dumaan kami sa Gelatissimo dahil nagkecrave ang unica hija ko for a milkshake. After nun, gora kami. Walk-walk until marating namin ang Coffee Bean and Tea Leaf. So pasok kami to order, kasama ang kuya ko, ako, Izhi, Waldy and Yuri. Chinicheck ko yung menu board nila kaya hindi ko namalayan na kinakausap na pala nung babaeng barista si Izhi. Sabi saken ni Izh, lalabas daw sya ng coffeeshop, sabi ko go kasi akala ko naman naiinip lang sya sa loob. Nagulat ako nun sinabi ni Waldy sakanya na "bakit ka lalabas, eh oorder naman tayo?". So tinanong ko sya kung anong nangyari, sabi ni Izh na sinabihan daw sya nun lady barista na ubusin yung MALAMIG na milkshake or kailangan nyang lumabas. WTF! Napahiya yung bata. Ano bang alam nya ...
A Lifestyle and Mommy Blog