Skip to main content

Coffee Bean and Tea Leaf incident

Tatagalugin ko na para mas ma-i-express ko ang emosyon ko.

Kagabi, bandang 9 or 10 PM, nasa BGC Highstreet kami. The usual past time namin kapag binibisita namin ang kuya ko sa office nya. After mag-dinner sa Wangfu ( Oo, masarap ang food! ) dumaan kami sa Gelatissimo dahil nagkecrave ang unica hija ko for a milkshake.

After nun, gora kami. Walk-walk until marating namin ang Coffee Bean and Tea Leaf.

So pasok kami to order, kasama ang kuya ko, ako, Izhi, Waldy and Yuri.

Chinicheck ko yung menu board nila kaya hindi ko namalayan na kinakausap na pala nung babaeng barista si Izhi.

Sabi saken ni Izh, lalabas daw sya ng coffeeshop, sabi ko go kasi akala ko naman naiinip lang sya sa loob. Nagulat ako nun sinabi ni Waldy sakanya na "bakit ka lalabas, eh oorder naman tayo?". So tinanong ko sya kung anong nangyari, sabi ni Izh na sinabihan daw sya nun lady barista na ubusin yung MALAMIG na milkshake or kailangan nyang lumabas.

WTF!

Napahiya yung bata. Ano bang alam nya sa store policies? Kung ako nga na magulang, clueless din na may ganung policy na pala ang CBTL, ano pa ang 11 year old na bata?

Bilang isang nanay, nagreact ako at kinausap ko yun lady Barista at yun Manager na si "Jeck". Oo, sa asar ko nakalimutan ko ang name ng barista.

Tinanong ko sila kung may ganun policy at wala silang malinaw na sagot saken. Ang sabi lang saken ni Jeck the manager ay, "isalin nalang po natin yun drink nya sa ibang cup or ubusin nya agad."

Again, MALAMIG yun milkshake since gawa ito sa gelato at cold milk.

Wala pa kaming 10 minutes sa loob ng shop, ni wala nga kaming balak umupo dahil itetakeout lang namin yun drinks.

Ang hinahanap kong sagot sakanila ay ang clear explanation ng policy nila. Na hindi ko nakuha.

So sinabi ko talaga ito: " Madalas kami sa coffeeshops especially CBTL. And bibili kami, nakapila na nga yun kuya ko kasi oorder kami. Ito yung first time na nasabihan kami at nadiscriminate ng ganito sa isang coffeeshop. "

So kinuwento ko agad sa kuya ko yun incident while nakapila sya. Pinatawag ni Kuya Jub si Izhi sa labas para ituro sakanya kung sino yun nagsabi sakanya nun.

Antagal bago nagdecide ni Izh na pumasok at ituro yun girl samen.

Kinausap ni kuya si Jeck the manager and yun lady barista and wala din naman silang masabi na clear policy nila tungkol sa pagdadala at pag-inom ng drinks or food from other establishments. Tapos nagsinungaling pa si lady barista na hindi nya daw sinabi na kelangan ni Izh lumabas. Eh inulit ni Izhi sa harap namin yun sinabi nya.

Though nag-apologized naman sila kay Izhi. What I'm really upset about is, bakit kailangan nyang komprontahin ang isang bata? Hindi ba kapag may policy na ganun, dapat iexplain mo ng maayos sa magulang.

Oo, apektado ako kasi nakita ko yun reaction ni Izhi na naiiyak sa pagkapahiya. At bilang nanay ng isang batang nagdadalaga at binubuo pa lang ang self-esteem, hindi ko kayang tanggapin yung ganung incident. Kaya hanggang ngayon, gising pa din ako at sinisulat ito.



Comments

Popular Post

Bing Loyzaga's Journey with Marie France

It was my privilege to be a part of an intimate meet and greet with Bing Loyzaga especially because the event was an intimate interview with Bing. (All photos courtesy of Occasions of Joy ) Bing has had her share of ups and downs when it comes to her weight, especially being in an industry that constantly expects one to look good and be in great shape. So in her late 30s, she had liposuction done on her arms and legs. “When you see yourself in the mirror at home after the procedure, yes you're thin. But when I removed the bandages, I saw myself with cuts and bruises. That's when I cried and felt like I betrayed myself. Sinaktan ko ang sarili ko.” Her daughters Alyssa and Gabby were with her as she recovered, tending her wounds and changing her bandages. “After I had the procedure done, my daughters made me promise not to go under the knife again.” Unfortunately, she gained back the weight. To make matters worse, she was recently diagnosed with hypothyroi...